Pagoda sa Meycauayan

943421_10151468970874858_1880620263_n

Isa sa mga nananatiling masasayang pagpipista sa Lungsod ng Meycauayan ay ang Pista ng Mahal na Señor ng Liputan. Ang Liputan ay isang baranggay sa Meycauayan na nararating lamang sa pamamagitan ng bangka. Dahil sa isa itong pamayanang napaliligiran ng tubig, ang pangunahing hanapbuhay na pinagkakakitaan ng mga nakatira rito ay pangingisda. Isa ang Liputan sa mga baranggay na may maliit na bilang ng populasyon ngunit masasabing karamihan ng mga nakatira rito ay nakaririwasa sa buhay.
 
Sikat ang Liputan sa kabayanan ng Meycauayan dahil tuwing sasapit ang unang Linggo ng Mayo, sila ay nagpapagoda sa ilog. Dinadala nila sa kabayanan ang kanilang patron, ang imahen ng Santo Cristo na magiliw nilang tinatawag na Mahal na Señor, kasama ng iba pang mga imahen. Inilululan ito sa dalawang kasko na kinalalagyan ng isang pagodang yari sa bakal at ipinuprusisyon sa katubigan ng Ilog ng Meycauayan sa pagitan ng ika-8 hanggang ika-9 ng umaga. Noong mga unang panahon, ang mga kasko ay hinihila ng maliliit na bangka na tinatawag na “pituya”.  Ito ay dumadaong sa punduhan ng mga huling isda sa palengke kung saan ay ibinababa nila rito ang mga pasahero ng pagoda kasama na rin ang mga imahen upang sila ay magprusisyon sa kabayanan. Dadalhin ang mga imahen sa simbahang malaki upang pagmisahan at pagkatapos ay ipuprusisyon muli sila sa kabayanan pabalik sa pagoda. Muling babalik ang lahat sa pagoda upang magprusisyon muli sa ilog pabalik ng Liputan. Pagbalik sa kanilang barrio, muli silang mapuprusisyon pabalik sa bisita. Kinagabihan, isang procesion solemne ang isinasagawa sa palibot ng barrio. Dahil maliit ang sukat ng lupa nila, sinasabing umiikot ang prusisyon nang pitong beses sa palibot ng barrio.
 
Ang pagpipistang ito ay hindi lamang nagpapatunay na may mga natatangi pang tradisyon ang lungsod kundi napapatunay na sa paglipas ng panahon, sa kabila ng mabilis na takbo ng panahon, may mga pamayanan pa rin na magiliw na ipinagpapatuloy ang tradisyong ipinamana sa kanila ng kanilang mga ninuno.
 
04 Mayo 2013
Lungsod ng Meycauayan
225670_10151468970894858_313028930_n 390632_10151468971809858_960968294_n 482464_10151468972059858_810694184_n 601708_10151468971494858_598456827_n 923263_10151468972194858_758461931_n 941416_10151468971354858_42027952_n 942126_10151468971379858_2034835652_n 944937_10151468970879858_2096865609_n
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s