Simbahang Lagolo is SAFE!

Kamakailan lang, umugong na naman ang balita na madadamay sa ginagawang road widening project sa Malhacan ang Simbahang Lagolo. Marami ang nagsasabing kinakailangang tanggalin ang naturang simbahan para lumuwag ang trapiko doon, lalo na ang rush hour. Of course, it was alarming – hindi lang para sa mga Katolikong taga-Meycauayan, kundi para na rin sa mga taong may pakialam sa kasaysayan ng bayang ito.

Lingid nga siguro sa kaalaman ng marami, hindi lang simpleng burulan ang Simbahang Bato na makikita malapit sa Simbahang Bilog (Parokya ni San Isidro’t San Roque) sa Malhacan. Ito ay isa sa mga pinakamatatandang simbahan sa bayan natin, sa buong Bulacan, at sa buong bansa. Kung ang San Agustin Church ay itinayo noong 1571, ang Simbahan ng Lagolo ay itinayo ng mga Franciscano noong 1599. Ibig sabihin, mas matanda pa ito sa University of Sto. Tomas na itinatag noong 1611.

Naisulat ko na ang mga dahilan kung bakit kailangan natin i-preserve ang simbahang ito. So it is a great relief na naaksyunan agad ang aming ipinaglalaban. Sa tulong ni Sir Mark James Evangelista, nakuha namin ang kopya ng sulat ng National Historical Commission of the Philippines para kay Cong. Linabelle Villarica na nagsasabing hindi maaaring madamay sa road widening project ang simbahan.

407109_10151455872534858_1475973640_n

Isang malaking bagay para sa atin ang sulat na ito. Ibig sabihin, protektado na ang kultura. Protektado na ang kasaysayan. Tuloy tuloy lamang ang kwento ng isang kayamanan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s