Meycauayan: Mabaho, Kinakalawang at Inaamag

Meycauayan is an underrated city in Bulacan. Siguro dahil na rin sa geographical location nito kaya madalas eh transit destination lang talaga ito. Malapit nga naman sa Manila, tapos malapit sa probinsya. Madalas sigurong tanong ng mga tao: anong dahilan para mag-stop over pa dito?

Bilang taga-Meycauayan, may sagot ako: Marami.

Mag-imagine kayo ng isang treasure chest: yung mabaho, kinakalawang, at inaamag na; tipong nabaon sa ilalim ng dagat ng ilang siglo at hindi na iisipin ng marami na treasure chest nga. Pero ang laman nito, sangkaterbang kayamanan at magagandang bagay na pwede mong ipagmalaki na nasayo.

Sa ganoon ko ikinukumpara ang Meycauayan. Kahit na parang mabaho, kinakalawang at inaamag na ang lugar na ito sa mata ng ibang tao, laman pa rin nito ang napakaraming magagandang lugar at yaman na humubog sa kultura ng buong Bulacan – mga bagay na hindi mo makikita kung papansinin mo lang ng papansinin ang pagiging mabaho, kinakalawang at inaamag nito.

Dahil sa kagustuhang ipakilala ang Meycauayan bilang iba sa persepsyon ng iba kaya ko sinimulan ang blog na ito. Katulong (sana) ng ilang mga kaibigan na anak rin ng Meycauayan, magawa sana naming maipakita sa inyo ang natatagong ganda ng aming lungsod.

Hindi ko ipagkakailang maraming hindi magandang balita tungkol sa Meycauayan, pero hindi niyo dito malalaman iyon. Kailangan natin ng positive vibes. Kung gusto mong puro kabadtripan lang, manuod ka ng balita. Maghanap ka ng ibang blog.

.

.

.

Binuksan na namin ang treasure chest – kahit mabaho, kinakalawang at inaamag na ito. Kukunin niyo na lang yung kayamanan. Pramis, hindi namin yun itatakbo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s