Chef Ram’s Sizzling Hub

as

Hindi nabiyayaan ang Meycauayan ng mga fine-dining restaurants; pero sangkaterba ang mga simpleng kainan sa lugar namin. At sa mga nagsusulputang sizzling eateries dito, masasabi kong ang Chef Ram’s Sizzling Hub sa Saluysoy ang pasimuno nito.

Maliit lang yung lugar. Siguro 6x15feet lang ang lawak nung area, pero syempre hindi ko naman sigurado yun kasi hindi naman ako expert sa ganyan. Pero dinadayo ng tao. For how many times na nagpunta kami don, laging kailangan naming maghintay sa labas para lang makakain.

Masarap kasi. Among my favorites sa menu eh yung Pork Sirloin, Beef Teriyaki, at Sisig. Kahit yung hotdog, madalas ko patulan kasi mura, katulad ng iba. Tapos ang pinaka-epic dito, unlimited gravy na nakalagay sa parang lampara. Minsan, ginagawa kong soup. Walang nagrereklamo.

Madali matunton ang Chef Ram’s. Nasa Saluysoy to, malapit sa maliit na daan paliko sa Libis. Kung galing ka ng McArthur Hi-way, pwede kang bumaba sa Pandayan tapos tsaka mo lakarin (o sakay ka ng tricycle) papunta dito. Kung galing ka naman sa bayan (simbahan), pwede kang sumakay ng tricycle papunta Saluysoy. Medyo malayo kasi kung lalakarin. Basta ang Chef Ram’s ay nasa pagitan ng bahay ni Congresswoman Linabelle Villarica at ng bisita ng Saluysoy.

Budget: 30php-120php

xoxo,

Angel

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s