Our Kitchen

IMGP0026

Isa sa mga paborito kong restaurant sa Meycauayan ang Our Kitchen, isang Italian/French restaurant na pagmamay-ari nina Benj Termulo at Damien Vannier. Taga-Meycauayan si Benj kaya hindi nakakapagtaka na dito nila naisip magtayo ng ganitong business.

When I first went here, nagustuhan ko na agad yung ambiance. Unique kasi yung interior – alam mong mahilig mag-travel yung dalawang may-ari. More on Thai-ish yung mga artworks na nakadisplay. Tapos yung ceiling, cute. Parang mga stools hung upside down. The lighting also contributed sa ‘romantic’ na ambiance. The staffs are friendly and accommodating. I remember, binigyan pa nga kami ng free cupcakes kasi kakabukas lang nila noon.

Nung second time na nagpunta kami don, we were personally assisted by Benj. Super friendly! Kaya hindi ka magtataka kung bakit maraming naging regular customers ang Our Kitchen eh.

Moving on, strategic ang lugar na napili ng Our Kitchen. Ito ay nasa 2nd floor ng Esperanza Building, along MacArthur Hi-way sa Calvario. Ang building ay katabi ng sakayan ng jeep papuntang Sto. Niño at katapat ng Maristel Building. Madaling matunton. May elevator paakyat. Convenient!

Pizza and pasta ang specialties ng restaurant na ito. Pero may Filipino menu (na may twist ng pagka-sosyal), pastries, and coffee drinks. Wines are available din, at mejo mataas ang alcohol content para sa mga hindi naman talaga wine-drinker na kagaya ko.

Some of the pasta dishes na talagang nagustuhan ko are Vongole, Chicken Pesto, Carbonara, and Meatballs Spaghetti. Marami pang iba. Tapos choice mo if penne, linguine, or spaghetti yung pasta mo. Sa pizza naman, yung Pesto Pizza ang paborito ko. Their ham pizza was nice too!

Other treats to try are the Slowly Baked Baby Backribs, Lengua, and Baked Mussels. Tapos for dessert, I recommend their blueberry cheesecake! Sarap!!!

Our Kitchen is open for events. If interested, you can contact them at 09178749703 or send an email at ourkitchenresto@gmail.com. Like their Facebook page here: Our Kitchen, where East meets West.

Their second branch is currently under construction. It’s in Bocaue.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s